DSWD nagpadala ng apat na truck ng relief goods sa Iligan City – PCG

Aabot sa apat na truck ng relief goods at non-food items mula sa Department of Social Welfare and Development ang ikinarga sa barko ng Philippine Coast Guard na BRP Pampanga.

Ayon kay PCG Spokesman Commander Armand Balilo, dadalhin ang mga nasabing donasyon para ipamahagi sa mga evacuees sa Iligan City.

Aniya, bukod sa mga relief goods mula sa DSWD ay kasamang ikinarga ang mga karagdagang donasyon mula sa mga Non Government Organizations at laruan mula sa ilang mamamahayag.

Samantala, kinumpirma ni Balilo na patuloy ang kanilang pagsasagawa ng Maritime security patrol at pagbabantay sa mga pantalan sa Iligan City, Davao City at Zamboanga.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *