DSWD Reg. 4a namahagi ng financial assistance at family food packs sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Ulysses sa Sta. Cruz Laguna

Namahagi ang DSWD Calabarzon ng financial assistance at mga family food packs sa mga residente at pamilyang naapektuhan ng Bagyong Ulysses sa Sta. Cruz Laguna. 


Pinangunahan ni DSWD Sec. Rolando Bautista ang pamamahagi ng mga naturang tulong para sa mga apektadong pamilya.

Ang mga nasabing residente ay nakatira sa coastal area sa may Laguna de bay na nalubog sa tubig baha dahil sa mga nagdaang kalamidad.

Nasa 500 pamilya ang kanilang nabigyan ng tulong na karamihan ay nananatili pa rin sa mga evacuation center.


Batay naman sa tala ng DSWD Reg. 4a, ay nasa mahigit 11,000 families ang nananatili pa rin sa iba’t-ibang evacuation center sa mga munisipalidad sa buong Calabarzon matapos manalasa ang bagyong ulysses sa bansa nitong nakaraang mga linggo.

Jet Hilario

Please follow and like us: