DSWD Region 4a hinikayat ang publiko na naapektuhan ng ECQ na lumapit sa Grievance and Appeals Desk na itinatag ng mga LGU’s sa rehiyon kung may problema sa pagtanggap ng financial assistance.


Hinikayat ng DSWD Reg. 4a ang mga mamamayan sa rehiyon na lumapit at makipag ugnayan sa Grievance and Appeals Committee Desk na itinatag ng mga LGU sa Calabarzon. 
Layunin ng Grievance and Appeals Committee Desk na maagapan at matugunan ang mga katanungan o hinaing ng mamamayan patungkol sa financial assistance, listahahan ng makatatanggap ng ayuda, schedule ng pamimigay at halaga ng matatanggap ng bawat pamilya.
Samantala, hinihikayat din ang publiko na sumangguni at magbigay ng kanilang katanungan sa GAC Desk sa kani kanilang respective LGU’s  o kaya naman ay bisitahin ang FB page ng kani-kanilang lokal na pamahalaan. 

Please follow and like us: