DTI, binigyan ng 2 linggo ang mga manufacturer at trucking services para babaan ang presyo ng bilihin

Hindi pa magkakaroon ng pagbaba sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa kabila ng patuloy na rollback sa mga produktong petrolyo.

Una ng hiniling ng mga manufacturer at trucking services sa Department of Trade and Industry (DTI) ang recomputation sa kanilang projected price reduction para sa ilang bilihin.

Ayon naman kay DTI Secretary, Adrian Cristobal bibigyan niya ng dalawang linggo ang mga ito para ibaba ang halaga ng mga bilihin.

Inilahad ng mga trucker at manufacturer na hindi sila magco-commit ng mababang presyo ng bilihin dahil sa matinding problema sa trapiko.

Please follow and like us: