Eastern Ukraine, binulabog ng pagsabog

Binulabog ng pagsabog ang mga residente ng Eastern Ukraine makaraang masunog ang isang imbakan ng armas doon.

Nangyari ang pagsabog sa bayan ng Balakilya na malapit lamang sa Kharkiv kung saan, may lawak itong tatlongdaan at limampung (350) ektarya.

Tone-toneladang ammunitions kabilang na ang mga missile at artillery weapons ang naka-imbak sa nasabing bodega ang naging dahilan ng pagsabog.

Dahil dito, tinatayang nasa dalawampung libong (20,000) residente ang agad na inilikas dahil sa pagsabog at pinaniniwalaang pananabotahe ang motibo nito.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *