EBC Films wagi ng 2 major awards sa International Film Festival Manhattan NYC

Dalawang major awards ang nakuha ng pelikulang Guerrero Dos Tuloy Ang Laban ng EBC Films sa katatapos na International Film Festival Manhattan, New York City, Spring 2021.

Kabilang dito ang Best Actor Feature Film Award na nakuha ni JC Sabenorio habang tinanghal naman bilang Best Director Feature Film si Direk Carlo Cuevas.

“Maraming pagsubok pero mas maraming dapat ipagpasalamat”, sambit ni Direk Carlo sa kanyang social media post.

“Congrats sa lahat ng aming nakasama at nakatuwang sa pagbuo ng pelikulang GUERRERO DOS. Di tayo magsasawang ulit-ulitin na sa Diyos ang lahat ng kapurihan”, dagdag pa nito.

Nominado rin sa nasabing Film Festival bilang Best Actress Feature Film si Mia Suarez habang ang pelikulang Guerero Dos ay kabilang sa mga naging nominado bilang Jury Feature Global at nominado rin para sa Film Festival Grand Prize Performance.

Nelson M. Lubao

Please follow and like us: