ECQ status sa Tuguegarao City, palalawigin pa hanggang September 5

Palalawigin hanggang sa Ika-5 ng Setyembre, ang pag-iral ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) status sa lungsod ng Tuguegarao.

Ito ay matapos aprubahan ng Regional Inter-agency Task Force ang rekomendasyon mula sa health sector at business sector ng siyudad, at dahil na rin sa hindi pa bumababang kaso ng Covid-19 sa lungsod.

Samantala, mariin namang nanawagan ang City Government ng Tuguegarao sa lahat ng mamamayan at sa mga darayo sa lungsod, na istriktong sumunod sa ipinatutupad na minimum public health standard sa buong Tuguegarao City.

Asahan na rin na lalong hihigpitan sa mga checkpoints ang pagpasok sa lungsod.

Nhel Ramos

Please follow and like us: