EJ Obiena nag courtesy call sa Manila City Hall

Bumisita ang pinoy pole vaulter na si EJ Obiena sa Manila City Hall.

Mainit naman siyang sinalubong ni Manila Mayor Honey Lacuna at iba pang opisyal ng Manila LGU.

Sa kanyang talumpati, kinilala ni Lacuna ang tagumpay at mga kontribusyon ni Obiena sa larangan ng sports.

Bukod sa mga Overseas Filipino Workers, ang mga atletang pinoy ay maituturing rin aniyang mga bayani.

Apat na resolusyon ang ipinasa ng konseho ng Maynila na nagpapaabot ng pagbati kay Obiena para sa mga karangalang hatid sa ating bansa matapos makapag-uwi ng mga medalya mula sa international competitions.

Pinagkalooban din siya ng 300 libong piso ng lokal na pamahalaan.

Si Obiena na tubong Tondo ay una naring kinilala bilang outstanding Manilan.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *