Election Summit ng Comelec gagawin  sa Marso

Inanunsyo ng Commission on Elections na sa Marso na gagawin ang “National Election Summit” sa halip na ngayong Enero ng 2023.

Ayon kay Comelec Commissioner Nelson Celis ang nasabing summit ay gagawin nalang sa March 8 hanggang 10.

Ito ay para bigyang-daan ang “special elections” para sa posisyon ng pagka Kongresista na gagawin sa ika pitong distrito ng Cavite sa Pebrero 25.

Ayon kay Celis, may mga nagawa na silang “pre-summit activities” mula noong Oktubre ng nakaraang taon.

Ang mabubuo aniya sa election summit ang magiging basehan ng aksyon ng Comelec para sa pagbuo ng kanilang plan of action para sa electoral reform.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *