Electronic channels ng BPI, magagamit na muli

Courtesy of Wikipedia.org

Maaari na muling ma-access ng mga kliyente ng Bank of the Philippine Islands ang kanilang mga electronic channels.

Ito ang pinakahuling advisory ng BPI para sa kanilang mga customer na naperwisyo ng technical glitches sa kanilang sistema.

Kabilang dito ang mga ATM, internet banking at mobile banking.

Dahil inaasahan ang pagdagsa ng mga transaksyon, posibleng maranasan ang traffic-related difficulties sa paggamit ng online at mobile channels.

Gayunman, tiniyak ng BPI na magbabalik rin sa normal ang sistema sa mga susunod na araw, kasabay ng muling paghingi ng paumanhin sa mga naperwisyong depositor.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *