Aktres na si Isabel Granada, comatose ngayon sa Qatar hospital

Comatose ngayon sa isang pagamutan sa Qatar ang aktres na si Isabel Granada.

Sa Facebook post ng aktres na si Bianca Lapus kaibigan ni Isabel, nakaranas umano ng massive internal bleeding at aneurysm si Isabel Granada at ngayon ay nasa Hamad General Hospital sa Qatar.

Bigla na lamang umanong nawalan ng malay si Isabel kaya isinugod sa pagamutan.

Post cardiac arrest umano ang inisyal na pahayag ng mga sumuri sa aktres at nananatiling walang malay.

Ayon kay Lapus, sasailalim sa major operation ang aktres na anim na beses nang nakaranas ng cardiac arrest mula nang madala sa pagamutan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *