‘Avengers’ movie, nagtala ng all-time domestic weekend record

Tumabo sa takilya ang American superhero film na “Avengers: Infinity war” nitong weekend.

Sa North America pa lamang ay tinatayang kumita na ito ng $250 million sa 4,474 sinehan.

Ayon sa mga observer, inaasahang mahihigitan nito ang record na naitala ng “Star Wars: The Force Awakens” kung saan $248 million  ang kinita  sa unang linggo ng pagpapalabas nito noong 2015.

Ang Avengers: Infinity War  rin ang may pinakamataas na opening weekend sa buong mundo na kumita ng $630 million.

 

=============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *