Korean actor Ji Chang Wook pumasok na sa military service simula ngayong araw

Ngayong araw, pormal nang pumasok para sa dalawang taong mandatory military service ang sikat na Korean actor na si Ji Chang Wook.

Maraming tagahanga ng Korean heart throb ang nag-abang sa labas ng Gangwon Province para masilayan ang kanilang idolo sa huling pagkakataon bago sumabak sa kanyang military service.

Nagpaunlak naman si Ji Chang Wook sa kanyang fans na  tila hindi napapagod sa pagkaway

Hindi naman naiwasan ng fans ang maiyak.

Nakasuot ito ng blak t-shirt na may nakasulat na “ Why so serious?”, black pants at red cap.

Naka-military cut na rin ang buhok nito na isang senyales na handa na siyang sumabak sa military training.

Si Ji Chang Wook ay matatapos ng kanyang military training sa taong 2019.

Si Ji Chang Wook ay napanoos sa mga Korean Drama na Empress Ki, Healer, K2 at Suspicious partner.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *