Mga hits ng Apo Hiking Society, isa nang Musical play

Simula sa August 2018 ay mapapanood na ang mga awitin ng Apo Hiking Society sa isang Original Filipino Musical na “Eto na! Musikal Napo” sa panulat at direksyon ni Robbie Guevara at sa produksyon ng 9 works Theatrical at Globe live.

Isang balik-tanaw sa 70’s era, ang Musikal Napo ay umiikot sa College life ng pitong magkakaibigan at kanilang mga problema tulad ng pag-ibig at pag-aaral.

Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ng direktor na si Robbie para sa kanilang show.

Aniya, maituturing niyang ‘baby’ ang Musikal Napo at naging malaki ang tulong ng pagpunta ng tatlong miyembro ng APO sa kanilang rehearsals.

Para naman sa isa sa mga bida ng musical na si Jobim Javier at anak ni Danny Javier na isa sa miyembro ng APO, sanay siyang kumanta sa harap ng kanyang ama kaya hindi siya gaanong kabado.

Kasama sa bibida sa nasabing musical sina Mark Bautista, Rita Daniela, Jef Flores, Sab Jose, at marami pang iba.

Itatanghal ang Eto na! Musikal Napo sa Maybank Performing Arts Center sa BGC, Taguig city simula August 3.

 

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *