Ms. Earth Eco-Tourism 2017, nakauwi na sa kanyang hometown

Lobo , Batangas -Nakabalik  na sa Bayan ng Lobo ang nanalong Ms. Earth Eco-Tourism 2017 na si Vanessa Mae Perez Castillo.

Sinalubong ito ng mga estudyante at kaniyang mga kababayan mula sa  iba’t ibang barangay nang libutin niya ang buong bayan sakay ng isang magandang float.

Lubos din siyang nagpasalamat sa lahat ng mga sumuporta at sumusuporta pa rin sa kaniya hanggang ngayon.

Ayon kay Castillo, ang pagkapanalo niya ay hindi sa ganda at likas na talino kundi ang dapat na makita ay ang tamang kaugalian patungkol sa pangangalaga ng ating kapaligiran.

Sinabi pa ni Castillo na  rin na ang pagiging beauty queen ay  maaring makamit sa patuloy na pagpupursige.

Bukod sa pagkapanalo niya ng titulong Ms. Earth Eco Tourism 2017 siya rin ay nahirang na Ms. Eco-Warrior, Ms. Photogenic Bronze Medalist, at Crowd’s favorite of wunder2 Philippines.

Ulat ni: Robelyn Ramirez

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *