Pinay, kinoronahang Miss Belgium 2018

Itinanghal bilang Miss Belgium 2018 ang Filipina beauty na si Angeline Flor Pua.

Ang coronation night ay ginanap sa “Plopsaland theater in de Panne”  sa Belgium.

Hulyo ng 2016, nagsilbing kinatawan si Angeline ng Filipino community sa Belgium sa Miss Filipina Europe na ginanap sa Vienna, Austria kung saan nasungkit niya ang korona.

Noong nakalipas na taon, kinoronahan din si Angeline bilang Miss Antwerp 2017 at ito ang nagbigay sa kaniya ng opurtunidad na makasali sa Miss Belgium.

Si Angeline ay 22 anyos at isang aspiring pilot.

 

=== end ===

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *