Premiere Night ng pelikulang Guerrero, naging matagumpay

Naging matagumpay ang premiere night ng EBC film na Guerrero na isinagawa kagabi sa cinema 3 at 4 ng SM Mega mall.

Naging makulay at masaya ang event lalo nat kumpleto ang main cast ng pelikula.

Bago ang showing, nag-perform ang ilang kilalang personalidad sa event.

Kinanta nina Rapido, DJ Albert at Bob Crisostomo ang ilan sa mga theme song ng Guerrero.

Magkahalong emosyon naman ang naramdaman ng mga cast sa premiere night.

Sinabi ni Direk Carlo Cuevas na naging masaya ang kinalabasan ng pelikula.

Kahit baguhan aniya ang marami sa kanila ay nagawa pa nilang magpangiti at magpasaya sa mga manonood.

Pagkatapos manood ng guerrero, nag-enjoy ang lahat ng nanood.

Mapapanood na ang Guerrero sa iba’t ibang sinehan sa buong bansa simula November 12, 2017.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *