Prince Harry at Meghan Markle, bumisita sa Scotland

Nagpatuloy ang pre-wedding tour nina Prince harry at fiance na si Meghan Markle sa pamamagitan ng pagbisita sa Scotland.

Daan-daang well-wishers ang bumati sa magkasintahan sa Edinburg.

Sinimulan ng magkasintahan ang pagbisita sa Edinburgh Castle, isa sa pinakasikat na landmark sa Scotland.

Ito na ang pang-apat na official engagement ng dalawa kung saan ipinakilala ni Prince Harry si Markle bilang kaniyang kasintahan sa iba’t-ibang bahagi ng Britanya.

Plano rin nila na harapin ang publiko sa pamamagitan ng iba’t-ibang organisasyon na sangkot sa Community work.

Sina Prince Harry at Markle ay nakatakdang ikasal sa Windsor castle sa May 19.

 

===  end  ===

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *