Richie, Cool J at Gloria Estefan, pararangalan ng “Kennedy Center Honors”

Paparangalan ng prestihiyosong parangal na “Kennedy Center Honors” ngayong taon ang mga beteranong singer na si Lionel Richie, hip-hop star at aktor na si LL Cool J at Cuban-American singer at aktres na si Gloria Estefan.

Ang 40th Kennedy Center Honors na ipapalabas sa Disyembre 26, sa U.S.,ito ay isa sa mga pinakamataas na parangal sa kultura ng Amerika, sa pagdiriwang at pagbibigay-pugay sa mga matagal nang may kontribyuson sa performing arts.

Ipipresenta ang mga parangal sa gala sa Washington D.C.’s Kennedy Center Opera House sa Disyembre 3, kung saan inaasahang dadalo sina U.S President Donald Trump at first lady Melania Trump.

Ulat ni: Bea Miranda

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *