Singer-Actress Jolina Magdangal nasa maayos ng kalagayan matapos maaksidente sa East Avenue Quezon City

Nasa maayos ng kalagayan ang actress singer na si Jolina Magdangal matapos magtamo ng bukol sa ulo nang maaksidente ang sinasakyan nitong SUV kasama ang kanyang pamilya sa East Avenue Quezon City.

Sa post ni Jolens sa kanyang twitter account nagpasalamat ito sa lahat ng nangamusta at nagtext sa kanila.

Maayos na rin ang  lagay ng kanyang asawa na si Mark Esquetta gayundin ang kanyang anak na si Pele matapos na sila ay maisailalim sa CT Scan ay nag-clear naman sa maaaring fracture na kanilang tinamo sa aksidente.

Binigyan na rin sila ng clearance ng doctor upang ituloy ang kanilang flight patungong Hongkong para sa kanilang family vacation.

Nabangga ng isang van ang sinasakyang SUV ni Jolina sa East Avenue habang ito ay nakahinto lamang sa traffic light.

Samantala kasalukuyan pa ring nagpapagaling sa ospital ang driver ng van matapos na magtamo ng matinding pinsala dahil sa pagkakaipit nito sa driver’s seat.

Ulat ni: Earlo Bringas

 

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *