EO na lilikha ng lapu-lapu award nilagdaan ni Pangulong Duterte

Isang executive order ang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na naglalayong kilalanin ang mga indibidwal, nasa pribado o nasa pamahalaan na nakaambag sa kampanya ng pamahalaan kontra korupsiyon, iligal na droga at sugal gayundin ang pangangalaga sa proteksiyon ng kalikasan.

Sa ilalim ng EO 17 o order of Lapu-Lapu mahahati sa tatlong kategorya ang pagbibigay ng kaukulang gawad gaya ng lapu-lapu medal, kalasag medal at kampilan medal.

Ipagkakaloob ang lapu-lapu medal sa mga pribadong personalidad at mga nasa gobyerno na nagkaruon ng kontribusyon sa matagumpay na adhikain at kampanya ng administrasyon.

Kalasag medal naman ang naghihintay sa mga indibidwal na nagbuwis ng buhay habang itinataguyod ang krusada ng gobyerno na may kinalaman sa pagsugpo sa korupsiyon, droga, iligal na sugal at environmental concern.

Kampilan medal naman ang ipagkakaluob sa mga nasugatan bunsod ng pagtatanggol sa mga nabanggit na kampanya ng pamahalaan.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us: