ER, Covid ICU, at iba pang ward ng Pasay City General Hospital, puno na

Full capacity na ang limang ward ng Pasay City General Hospital kabilang na ang para sa mga may COVID-19.

Sa abiso ng pagamutan as of November 3, puno na ng pasyente ang emergency room, critical care ward, medical ward, Covid ward, at Covid ICU ng PCGH.

Ayon sa ospital, umaabot sa 17 ang nasa waiting list para sa ER admission.

Dahil dito, pinayuhan ng pamunuan ng PCGH ang mga pasyente o ang mga nangangailangan ng atensyong medikal na dalhin o ilipat ang mga ito sa ibang healthcare facilities.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.