EUA para sa bakuna ng Johnson and Johnson, under evaluation na ng FDA

Naghain na rin ng aplikasyon para sa emergency use authorization (EUA) ng kanilang COVDI-19 vaccine ang Janssen Pharmaceutical Company ng Johnson and Johnson.

Ayon kay Food and Drug Administration Dir. Gen. Eric Domingo, sa ngayon ay under evaluation na ang aplikasyon ng kumpanya.

Ito ay matapos maghain ng aplikasyon ang Janssen noong Miyerkules.

Ang bakuna ng Janssen ay single-dose lamang para magkaroon ng full protection laban sa virus.

Pero kahit nag-apPly na ng EUA sinabi ni Domingo na tuloy parin ang ginagawang clinical trial ng Janssen dito sa bansa.

Sa kasakuluyan, ang mga COVID-19 Vaccine na nabigyan na ng EUA ng FDA ay ang Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, Sinovac at Gamaleya Research Institute ng Russia..

Madelyn Moratillo

Please follow and like us: