Eviction Order sa grupong kadamay na umukopa ng housing project ng gobyerno sa Pandi Bulacan nais ipalabas ni Pang. Duterte

Hindi palalampasin ni Pangulong Duterte ang ginawa ng grupong KADAMAY na umukopa ng mga units sa housing project ng gobyenro sa Pandi Bulacan.

Ito ang inihayag ng Pangulo matapos makarating sa kanyang kaalaman ang ginawa ng grupong KADAMAY.

Ayon sa Pangulo pinagmumukhang inutil ang gobyerno ng grupong KADAMAY sa kanilang ginawa na pinasok ang pabahay ng pamahalaan ng walang bitbit na mga kaukulang dokumento.

Nilinaw pa  ng Pangulo na ang ginawa ng grupong KADAMAY ay isang anarkiya dahil sa marahas na hakbang na hindi pinahihintulutan ng batas.

Ulat ni : Vic Somintac

Please follow and like us: