Executive Secretary Vic Rodriguez pumalag sa mga umano’y black propaganda laban sa kanya

Pumalag si Executive Secretary Vic Rodriguez sa mga ulat ng pagbibitiw umano niya sa puwesto.

Giit ni Rodriguez, mananatili siyang tapat kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at hindi siya aalis sa administrasyon malibang hilingin ito ng Pangulo.

Naniniwala si Rodriguez na isang black propaganda lamang ang mga kumalat na balita kaugnay sa umano’y pagbibitiw nya sa puwesto.

Fake news lamang umano ang mga ulat na ito.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: