Express Lane Fund ng Immigration, hindi tatanggalin

Mananatili ang Express Lane Fund (ELF) na una ng napaulat na tatanggalin, dahilan kaya nagbanta ng resignation ang ilan sa mga kawani ng Bureau of Immigration.

Mismo ang Malacanang ang nagkumpirma na hindi ito tatanggalin, subalit isasailalim lang ito sa special audit upang matiyak na sa mga empleyado napupunta ang benepisyo.

Ang ELF ay ipinatupad upang makalikom ng sapat na pondo para mabayaran ang mga kawani na nag o-overtime sa paliparan.

Please follow and like us: