FDA nilinaw na wala pang aplikasyon ang Sinopharm para sa EUA

Hindi pa nag aaplay para makakuha ng Emergency Use Authorization sa Food and Drug Administration ang Sinopharm.

Kasabay nito, tiniyak ni FDA Director General Eric Domingo na lahat ng nag-aaplay sa kanila para sa EUA ay tinatanggap nila.

Ayon kay Domingo sa pagkakaalam nya ay sumulat kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez ang Sinopharm para magtanong kung paano mag aplay ng EUA.

Pero sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na aplikasyon.

Tiniyak rin ng opisyal na pinag aaralan nila ang mga ulat hinggil sa pagpapabakuna ng hindi rehistradong COVID- 19 vaccines sa bansa ng ilang indibidwal gaya ng ilang sundalo ng PSG pero hanggang ngayon ay wala pa aniyang sagot sa kanila.

Madz Moratillo

Please follow and like us: