FDA posibleng magpalabas na ng findings laban sa dalawang contraceptives na pinaniniwalaang abortifacient

Posibleng sa buwang ito ay mailalabas na ng Food and Drugs Administration ang findings nito sa lahat ng mga kontraseptibo.

Kabilang na rito ang resulta ng pag-aaral sa dalawang contraceptive implants na pinigil ng Korte Suprema sa pamamagitan ng TRO dahil sa paniniwalang ito ay abortifacient.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, kapag napatunayan ng FDA na non-abortifacient ang Implanon at Implanon NXT ay mapapawalang-bisa na ang TRO na inisyu ng Supreme Court second division.

Dahil dito, makapagpapalabas na ng sertipikasyon ang FDA sa kinukuwestiyong contraceptives.

Alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema, ang TRO ay mapapawalang bisa, kung matapos ang pagdinig ng FDA at DOH ay madedeklarang non- abortifacient o hindi nakapagdudulot ng pagkalaglag ng sanggol mula sa sinapupunan ang Implanon at Implanon NXT.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *