Filipino-Chinese biz groups, nagpahayag ng suporta sa incoming admin

Nagpaabot ng pagbati si Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc.(FFCCCII) President Dr. Henry Lim Bon Liong kina presumptive President Bongbong Marcos Jr. at presumptive Vice- President Sara Duterte sa kanilang pagka-halal sa posisyon.

Ayon kay Liong, non- partisan ang grupo nila
na binubuo ng 170 Filipino Chinese chambers of commerce mula Aparri hanggang Tawi Tawi.

Pero, susuportahan nila ang darating na administrasyon.

Hinimok ng Tsinoy business executives ang mga mamamayan at mga pinuno ng bansa na magkaisa para sa ikabubuti ng Pilipinas.

Ayon sa grupo, kailangang palakasin ang pambansang pagkakaisa para sa mas matatag na ekonomiya at global competitiveness.

Pinuri naman ng FFCCCII ang mga botanteng Pilipino sa pagganap sa kanilang karapatan at tungkulin sa nakaraang halalan.

Gayundin, ang mga guro at iba pang election personnel at mga opisyal ng gobyerno dahil sa matagumpay na pagsasagawa ng eleksyon.

Moira Encina

Please follow and like us: