Food stalls sa Dipolog City, nasunog

Mula sa ulat ni eaglenews correspondent Rosevelt Mondinido

Nasunog ang ilang tindahan ng pagkain sa Dipolog Public Transport Terminal na nasa Barangay Sta. Isabel, Dipolog City.

Ayon kay Fire Officer 3 Alchester L. Progoso, nagsimula ang apoy pasado alas dyes ng gabi noong Biyernes, Agosto 21 sa stall ni Ressa Pialago.

Hindi pa tiyak ang pinagmulan ng sunog na tumagal ng halos kalahating oras.

Mahigit P50,000.00 ang tinatayang structural damages sa mga nasunog na business stalls at wala namang iniulat na nasaktan.

https://www.instagram.com/p/CEMv5ScAyOO/?utm_source=ig_web_copy_link
Please follow and like us: