Full operation ng MRT-3 balik na matapos ang service interruption kahapon

Nagbalik na sa full operation ang Metro Rail Transit-3 ngayong araw, December 17.

Matatandaang nasa provisional service ang North Avenue station hanggang Shaw Blvd station ng MRT-3 kahapon, December 16 dahil sa technical glitch na nnangyari sa Northbound train sa Boni station.

Nasa mahigit 3,000 pasahero rin ng tren ang naapektuhan ng service interruption kahapon.

Nagpaabot naman ng paumanhin ang management ng MRT-3 sa abalang idinulot ng nasabing insidente.

Please follow and like us: