Fully-vaccinated laban COVID-19 sa CALABARZON, halos 10M katao na

Nasa 9.98 milyong indibiduwal sa CALABARZON ang nakakumpleto na ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa pinakahuling datos ng COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON, katumbas ang nasabing bilang sa 74% ng target population nito na mahigit 13.4 milyong katao sa rehiyon.

Mula sa fully-vaccinated, umaabot naman sa mahigit dalawang milyon pa lang o 21% ang naturukan ng booster shot sa Region IV-A.

Patuloy na hinihimok ng DOH CALABARZON ang mga kuwalipikado na magpa-booster na magpaturok na bilang dagdag proteksyon laban sa COVID.

Moira Encina

Please follow and like us: