Fully-vaccinated laban sa COVID-19 sa CALABARZON, higit 1.72 million na

Umaabot na sa 1,728,173 indibidwal ang nakakumpleto na ng bakuna kontra sa COVID-19 sa CALABARZON.

Ito ay katumbas ng 15% ng target population sa Region IV-A na mahigit 11.45 million para makamit ang herd immunity.

Batay pa sa datos ng COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON noong August 30, nasa 2,809,148 na ang partially vaccinated o naturukan na ng unang dose ng anti-COVID vaccines sa rehiyon.

Sa kabuuan ay 4,537,321 indibidwal mula sa A1 hanggang A5 groups ang nakatanggap ng una at ikalawang dose ng bakuna.

Nasa anim na milyon naman na ang bakunang nailaan sa Region IV-A ng nasyonal na pamahalaan habang 561 ang active vaccination sites.

Moira Encina

Please follow and like us: