Fully-vaccinated laban sa COVID-19 sa CALABARZON, higit 900,000 na

Umaabot sa mahigit 900,000 katao ang nakakumpleto ng bakuna kontra COVID-19 sa CALABARZON.

Sa pinakahuling tala ng COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON, kabuuang 922,875 indibidwal mula A1 hanggang A5 priority list ang fully-vaccinated na laban sa virus.

Ang senior citizens o A2 ang pinakamarami sa nakakumpleto na ng bakuna laban sa virus na 844,485.

Naturukan naman na ng unang dose ng anti-COVID vaccines ang halos 1.6.milyon katao sa Region IV-A.

Sa kabuuan ay mahigit 2.5 milyon na ang nabakunahan ng first at second dose sa CALABARZON.

Moira Encina

Please follow and like us: