Fully-vaccinated laban sa COVID-19 sa CALABARZON, higit 9M katao na

Lagpas na sa 9 milyong indibiduwal sa CALABARZON ang nakakumpleto na ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa pinakahuling datos ng DOH CALABARZON, umabot na sa 9,021,712 ang fully-vaccinated sa rehiyon.

Ito ay 77% na coverage sa target eligible population na mahigit 11.65 milyong katao.

Kabilang sa mga nakatanggap ng kumpletong dose ng COVID vaccines ang mga batang 12 hanggang 17 years old na nasa 1.06 milyon.

Mula naman sa mga fully-vaccinated, naturukan na ng booster ang nasa 1.30 milyong katao.

Naturukan naman na ng unang dose ang halos 10 milyong indibiduwal sa Region IV-A.

Moira Encina

Please follow and like us: