Fully-vaccinated laban sa COVID-19 sa CALABARZON, nasa 335,000 na

Umakyat na sa mahigit 335,000 indibidwal sa CALABARZON ang naturukan na ng dalawang dose ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon sa COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON, fully-vaccinated na laban sa virus ang 335,351 indibidwal mula sa A1 hanggang sa A5 priority groups.

Pinakamarami sa nakakumpleto ng bakuna ang mga senior citizens na 127,018.

Sumunod ang medical workers na 103,441 at persons with comorbidities na 103,066.

Nasa 1,700 na A4 o economic frontliners ang nakatanggap ng dalawang dose ng anti- COVID vaccines habang 85 mula sa indigent population.

Lagpas 1.13 milyong indibidwal naman mula sa CALABARZON ang nabakunahan na ng unang dose.

Moira Encina

Please follow and like us: