Gaza ceasefire magsisimula alinsunod sa plano sa kabila ng “loose end” – US

A person holds an Israeli flag as Israelis block a road while protesting a ceasefire deal that they see as an act of surrender, ahead of a ceasefire between Israel and Hamas, in Jerusalem, January 16, 2025. REUTERS/Ammar Awad

Ipinagpaliban ng Israel ang pag-apruba sa isang kasunduan sa Palestinian militant group na Hamas para sa isang tigil-putukan sa Gaza Strip at pagpapalaya ng mga hostage, ngunit sinabi ng Estados Unidos na inaasahan pa rin nito na magkakabisa ang kasunduan sa Linggo gaya ng plano.

Sa Gaza mismo, ang mga eroplanong pandigma ng Israeli ay nagpatuloy ng matinding pambobomba, at sinabi ng mga awtoridad ng Palestina na hindi bababa sa 86 katao ang napatay sa araw pagkatapos ihayag ang tigil-putukan.

Supporters and family members of hostages kidnapped during the deadly October 7, 2023, attack on Israel by Hamas, protest ahead of a ceasefire between Israel and Hamas, in Tel Aviv, Israel, January 16, 2025. REUTERS/Shir Torem

Sa matagal nang pagkakahati-hati ng mga ministro, ipinagpaliban ng Israel ang mga pagpupulong kung saan ang gabinete ay boboto sa kasunduan, na sinisisi ang Hamas sa hold-up. Ang mga ulat ng Israeli media ay nagsabi na ang pagboto ay maaaring mangyari ngayong Biyernes o Sabado, kung saan ang kasunduan ay inaasahang maaaprubahan.

Sinabi ng tagapagsalita ng White House na si John Kirby, na naniniwala ang Washington na ang kasunduan ay nasa tamang landas at ang isang tigil-putukan sa 15-buwan nang labanan ay inaasahang magpapatuloy “sa lalong madaling panahon ngayong weekend.”

Aniya, “We are seeing nothing that would tell us that this is going to get derailed at this point.’

Hinimok naman ng isang grupong kumakatawan sa mga pamilya ng Israeli hostages sa Gaza, na ang 33 ay nakatakdang palayain sa unang anim na linggo ng kasunduan, si Prime Minister Benjamin Netanyahu na bilisan ang pagkilos.

An Israeli youngster with red-stained hands protests a ceasefire deal that they see as an act of surrender, ahead of a ceasefire between Israel and Hamas, in Jerusalem, January 16, 2025. REUTERS/Ammar Awad

Ayon sa pahayag ng grupo, “For the 98 hostages, each night is another night of terrible nightmare. Do not delay their return even for one more night.”

Una nang sinabi ni U.S. Secretary of State Antony Blinken, na kailangang resolbahin ang isang “loose end” sa negosasyon.

Ayon sa isang U.S. official, na ayaw magpakilala, ito ay ang hindi pagkakaunawaan sa pagkakakilanlan ng ilan sa mga bihag ng Hamas na nais palayain.

Aniya, nasa Doha, Qatar ang envoys nina outgoing President Joe Biden at incoming President Donald Trump kasa ang Egyptian at Qatari mediators upang asikasuhin ang pagresolba rito.

Supporters and family members of hostages kidnapped during the deadly October 7, 2023, attack on Israel by Hamas, protest ahead of a ceasefire between Israel and Hamas, in Tel Aviv, Israel, January 16, 2025. REUTERS/Shir Torem

Sinabi naman ng Hamas senior official na si Izzat el-Reshiq, na namamalaging committed ang grupo sa ceasefire deal.

Sa loob ng Gaza, ang kagalakan ay napalitan ng lungkot at galit dahil sa pinaigting na pag-atake, kasunod ng anunsiyo ng ceasefire noong Miyerkoles.

Ang pagtanggap ng Israel sa kasunduan ay hindi magiging opisyal hangga’t hindi naaaprubahan ng security cabinet at ng gobyerno. Ipinagpaliban ni Netanyahu ang botohan, at inakusahan ang Hamas nang paghingi ng “last-minute demands.”

Ayon sa pahayag ng tanggapan ni Netanyahu, “The Israeli cabinet will not convene until the mediators notify Israel that Hamas has accepted all elements of the agreement.”

Sa ulat ng Israeli media outlets, inaasahang magbobotohan ang gabinete ngayong Biyernes o Sbado, ngunit tumanggi ang tanggapan ng punong ministro na magkomento sa timing nito.

Israelis block a road as they protest a ceasefire deal that they see as an act of surrender, ahead of a ceasefire between Israel and Hamas, in Jerusalem, January 16, 2025. REUTERS/Ammar Awad

Batay sa espekulasyon ng ilang political analysts, ang simula ng ceasefire, na nakatakda sa Linggo, ay maaaring maantala kung hindi isasapinal ng Israel ang approval hanggang Sabado.

Ang kasunduan sa tigil-putukan ay lumabas noong Miyerkules pagkatapos ng pamamagitan ng Qatar, Egypt at U.S.

Binabalangkas ng kasunduan ang anim na linggong paunang tigil-putukan kasama ang unti-unting pag-alis ng mga pwersang Israeli.

Palalayain ang dose-dosenang mga hostage na kinuha ng Hamas kabilang ang mga kababaihan, bata, matatanda at mga maysakit, kapalit ng daan-daang mga bilanggong Palestinian na nakakulong sa Israel.

Magbibigay daan ito sa humanitarian aid para sa Gaza, kung na-displace ang karamihan sa populasyon at naharap sa kagutuman, pagkakasakit at lamig.

Kung magttagumpay, ihihinto ng tigil-putukan ang labanan na sumira sa malaking urbanisadong Gaza, pumatay sa mahigit 46,000 katao, at nagpalikas sa karamihan ng populasyon.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *