GCQ, Ipinatupad sa buong Cordillera

Idineklara ng National IATF Agency, na ipatupad sa buong rehiyon ng Cordillera kabilang ang probinsya ng Kalinga, ang General Community Quarantine o GCQ simula sa Pebrero 1 hanggang Pebrero 28, 2021.

Ito ay upang patuloy na malabanan at makontrol ang pagdami ng mga nagpopositibo sa COVID-19, kung saan sa nakaraang mga araw ay may naitalang kumpirmadong kaso ng UK variant, mula sa Mountain Province.

Samantala, namamalagi pa ring epektibo ang una nang ipinatupad na community quarantine mula Enero 25-Peb. 8, 2021 sa ibat ibang munisipalidad at lungsod sa probinsya ng Kalinga, batay na rin sa ipinalabas na Executive Order No. 2021-03 noong nakaraang linggo.

Ito ay hangga’t wala pang ipinalalabas na anunsyo ng pagbabago ang mga opisyal ng nasabing lalawigan.

Ulat ni Xian Renzo Alejandro

Please follow and like us: