General Emilio Aguinaldo-Bailen , Cavite, pinagkalooban ng 14 service vehicles at 1 police mobile

Labing apat na service vehicle at isang police mobile ang ipinagkaloob sa General Emilio Aguinaldo-Bailen , Cavite.

Gagamitin ang mga ito ng mga barangay sa bayan sa pagbibigay-serbisyo sa kanilang mga kababayan.

Bahagi ang hakbang ng proyekto ng Provincial government ng Cavite.

Ayon kay General Emilio Aguinaldo Cavite Mayor Nelia Angeles , masaya sila at kabilang ang kanilang bayan sa napagkalooban ng naturang proyekto ng Cavite Provincial Gov’t sa pangunguna ni Cavite Governor Jonvic Remulla.

Jet Hilario

Please follow and like us: