Globe Telecom , may libreng tawag para sa mga residente at sundalong naiipit ng bakbakan sa Marawi City

Para makatulong sa komunikasyon sa mga sibilyan na patuloy na naiipit sa bakbakan, inilunsad ng Globe Telecom ang libreng text at tawag para sa lahat ng Globe at TM subscribers sa Marawi City.

Sinabi ni Globe Telecom CEO and President Earnest Cu, malaking bagay ito para sa mga sundalo na nangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay.

Tatakbo ang libreng serbisyo sa loob ng labinlimang araw, pero bukas ang kumpanya sa pagpapalawig nito kung kinakailangan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *