Gobyerno, iniuugnay ng pamilya ni Tanauan Mayor Antonio Halili sa pagpatay sa alkalde

Posible umanong may kinalaman ang gobyerno sa kaso ng pagpatay kay Tanauan, Batangas mayor Antonio Halili.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, personal nyang nakausap ang pamilya Halili at nagbigay ito ng ilang impormasyon sa kaso.

Kabilang na rito ang pagsasagawa ng apat na linggong surveillance sa alkalde bago ito mapatay gamit ang mga pekeng plaka.

Inamin ni Lacson na noong pinuno pa siya ng PNP, ginagawa rin nila ang  surveillance gamit ang mga pekeng plaka laban sa mga kriminal.

Pero tumanggi si Lacson na magbigay pa ng ibang detalye dahil may ginagawa raw syang personal na imbestigasyon.

Ang resulta aniya ng gagawin nilang pagsisiyasat ay maaring i-share nya sa mga otoridad.

Pero iginiit ni Lacson na batay sa pagkakakilala niya kay Halili at mga personal na imbestigasyon hindi ito kailanman nasangkot sa illegal drugs operations .

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *