Governor Generoso Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Bayan ng Governor Generoso sa Davao Oriental.

Naitala ng Phivolcs ang pagyanig kaninang alas 3:12 ng madaling araw sa  layong 156 kilometro  timog ng Governor Generoso.

May lalim na 122 kilometro ang pagyanig at tectonic ang origin.

Samantala, alas 4:42 naman ng umaga, niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang Ozamis City, Misamis Occidental.

Naitala ang pagyanig sa 12 kilometers North ng Ozamis City.

May lalim naman na 4 kilometers ang lindol at tectonic din ang origin.

Ayon sa Phivolcs, hindi inaasahang magdudulot ng pinsala ang dalawang nabanggit na lindol.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *