Grupo ng flour millers, pabor sa pamumuno ni PBBM sa Agri Dept.

Suportado ng Philippine Association of Flour Millers, Inc., (PAFMIL) ang gagawing paghawak mismo ni President-elect Bongbong Marcos Jr. sa Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni PAFMIL Executive Director Ric Pinca na reassuring na ang pangulo ang magiging hepe ng DA sa harap ng krisis sa pagkain.

Aniya mas mabilis na makakaakto at mas decisive ang magiging pagtugon ni Marcos sa nagpapatuloy na global food crisis.

Ayon pa kay Pinca, ang desisyon ni BBM na pamunuan ang DA ay nangangahulugan na ipaprayoridad ng administrasyon nito ang seguridad sa pagkain.

Iminungkahi naman ng PAFMIL sa pamahalaan na bawasan ang import tariffs sa ibang baking ingredients gaya ng imported yeasts.

Isa aniya ito sa mga paraan para matulungan ang mga panaderya sa buong bansa bunsod na rin na mataas na presyo ng harina.

Moira Encina

Please follow and like us: