Grupo nina Cusi, ipinapadeklarang illegitimate officers ng PDP-Laban sina Pacquiao at Pimentel sa Comelec

Naghain ng petisyon sa COMELEC ang paksyon nina Energy Sec. Alfonso Cusi sa PDP-Laban laban sa grupo nina Sen. Manny Pacquiao at Koko Pimentel.

Sa kanilang petisyon, hiniling ng grupo nina Cusi na ideklara ng poll body bilang illegitimate officers at hindi otorisadong kinatawan ng PDP-Laban sina Pacquiao at Pimentel.

Courtesy: PDP-Laban (Cusi group)

Nais din nina Cusi na ipawalang-bisa ng COMELEC ang inihain ng paksyon nina Pacquiao na July 2021 Sworn Information Updates na naglalaman ng listahan ng party officers.

Ayon naman kay Pimentel, kailangan niya munang basahin ang petisyon.

Pero, iginiit ng senador na mula 1980s ay nasa PDP-Laban na siya na itinatag ng kanyang tatay at hindi siya kailanman umalis sa partido kasama ang libu-libong grassroot members

Moira Encina

Please follow and like us: