Grupong Dilawan, inakusahan ng Malakanyang na gumagamit ng PR campaign upang wasakin si Pangulong Duterte

Kumbinsido ang Malakanyang na may nangyayaring PR campaign ang  mga dilawan na naglalayong siraan ang kasalukuyang Administrasyon.

Sinabi ni  Presidential Spokesperson  Harry Roque tanggap nila ang kasalukuyang galaw ng mga kritiko ng gobyerno na kung saan kasama na sa pinupuntirya ay si Special Assistant to the President Secretary Bong Go.

Dahil dito, nagbabala si Roque sa mga nasa likod ng  PR campaign laban sa Duterte Administration na maghanda din sila dahil marami silang dapat na ipaliwanag sa publiko noong sila pa ang nakaupo sa kapangyarihan.

Inihayag ni Roque kabilang sa dapat ipaliwanag ng nakalipas na administrasyon ang isyu ng PDAF at DAP kung saan bilyong pondo ng pamahalaan ang nalustay.

Ulat ni Vic Somintac

=== end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *