Grupong Gabriela, nagsagawa ng kilos protesta sa harap ng tanggapan ng DSWD sa Maynila

Nagsagawa ng kilos protesta ang mga miyembro ng Gabriela sa harap ng tanggapan ng Department of Sociall Welfare and Development – National Capital Region sa Maynila.

Karamihan sa mga nagkilos protesta mga nawalan ng trabaho matapos maapektuhan ng cover 19 pandemic.

May dala rin silang listahan ng survey forms ng mga tao na nangangailangan ng trabaho at pinansyal na tulong na isinumite nila sa DSWD.

Apila nila na ayuda mula sa pamahalaan at pangkahuhayan para sa mga nawalan ng trabaho.

Giit nila hindi umano sapat ang ayuda na ipinagkaloon ng pamahalaan. Nanawagan din sila na matigil muna ang singil sa kuryente at tubig habang umiiral pa ang pandemya.

Madz Moratillo

Please follow and like us: