GSIS Extn. Office sa Kalibo Aklan, pansamantala munang isinara sa publiko hanggang sa huwebes, matapos na magpositibo sa Covid 19 ang mga empleyado nito.

Pansamantala munang isinara sa publiko ang GSIS Extension office nito sa Kalibo Aklan simula ngayong araw hanggang sa huwebes, October 22, 2020. 


Ito ay dahil sa nagpositibo sa COVID-19 ang isa nitong empleyado kasama na ang tatlong iba pang non personnel sa naturang tanggapan. 
Habang nakasara sa publiko ang GSIS office ay isasagawa naman nito ang disinfection and sanitation procedure sa loob at labas ng tanggapan para mapigilan ang pagkalat pa ng Covid 19. 


Sa kasalukuyan ay isinailalim na sa isolation at quarantine ang apat katao sa naturang opisina at nagsagawa na rin ng contact tracing ang ahensya sa kanilang lugar kung sino-sino pa ang mga nakasalamuha ng kanilang mga empleyado sa nakalipas na mga araw. 


Pinapayuhan naman ng GSIS aklan ang mga miyembro at pensioners nito na makipag-ugnayan muna sila via online para sa kanilang loan at claim transaction, refund at reconciliation request.

Ulat ni Lads Ventura

Please follow and like us: