Guidelines sa Covid-19 expanded testing inilatag na ng IATF

Isa-isa nang inilatag ng Inter Agency Task Force on infectious diseases o IATF ang guidelines para sa Covid-19 Expanded Testing.

Ayon kay IATF  Spokesman Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles saklaw ng Covid 19 expanded testing ang lahat ng indibidwal na malaki ang posibilidad na nahawa sa Covid-19.

Kasama na ang suspected cases, mga tao na galing biyahe o may nakasalamuha na taong may Covid-19, may sintomas man o wala; o mga health workers na may posibleng exposure sa taong may Covid-19, may simtomas man o wala.

Sinabi ni Nograles kabilang sa mga  grupo ng indibidwal na naka-prioritize sa pag-test ang mga pasyente o healthcare workers na may ​severe o critical na sintomas, at may kasaysayan ng biyahe o kontak sa kumpirmadong kaso ng Covid-19; mga pasyente o healthcare workers na may ​mild na sintomas, galing sa biyahe o nagkakontak sa kumpirmadong Covid-19 na kaso, at kinokonsiderang ​vulnerable; ang mga pasyente o healthcare workers na may ​mild na sintomas, galing sa biyahe o nagkakontak sa kumpirmadong kaso ng Covid-19; at mga pasyente o healthcare workers na ​walang sintomas pero may kasaysayan ng byahe o kontak sa kumpirmadong kaso ng Covid-19.

Inihayag ni Nograles lahat ng subnational laboratories ay inaatasan na ibahagi ang 20% hanggang 30% ng kanilang daily testing capacity para sa mga health workers, at ang natitirang 70%-80% para sa mga pasyente.

Idinagdag ni Nograles na batay sa ebidensya, ang RT-PCR testing na aprubado ng FDA at RITM ang siyang confirmatory test.

Ang mga rapid antibody-based test kits ay hindi gagamitin mag-isa para makumpirma ang Covid-19. Binigyang diin ni Nograles ang mga lisensyadong doktor lamang ang pinapayagang mag-request at gumamit ng antibody-based tests.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us: