Guinness World record adjudicator, humanga sa dedikasyon ng INC matapos masungkit ang world record para sa Largest Human Sentence

 

Humanga ang Official Guinness World Record Adjudicator na si Paulina Sapinska sa dedikasyon at determinasyon ng mga kapatid sa  Iglesia ni Cristo matapos ma-break ang record para sa Largest Human Sentence na may 23,235 na kalahok.

Ang salitang Proud to be a member of the Iglesia ni Cristo ang binuo ng mga lumahok.

Ayon kay Sapinska, ipinakita ng mga kapatid sa Iglesia ni Cristo  na lumahok sa aktibidad ang determinasyon at dedikasyon kaya nagtagumpay ang mga ito.

Ito ay lalo na’t matagal anyang nababad sa initan ang mga kalahok na maaga pa lang ay nakaayos na sa Quirino Grandstand.

Tinukoy pa ni Sapinska ang pagiging organisado ng mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo na kanyang napansin kaya naging matagumpay ang mga ito.

Ang bansang India ang dating may hawak ng record para sa Largest Human Sentence kung saan mahigit 16,500 ang participant noong 2016.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *