Gun ban violators, umabot na sa 400

Umakyat na sa halos 400 ang bilang ng mga lumabag sa umiiral na election gun ban.

Ayon sa PNP, umabot na sa 396 na ang naaaresto, karamihan sa mga ito ay mga sibilyan. Nakakumpiska rin ang PNP ng 254 na baril, mahigit sa 2000 deadly weapon, 14 na granada, isang pampasabog, 8 fire arm replica, at mga bala.

Tiniyaknaman ng PNP na mahigpit nilang ipatutupad ang election gun ban.

Please follow and like us: